Mahirap magmahal ng MATALINO. Kailangan palagi kang may nakahandang dahilan para maintindihan ka nya. Dapat may dahilan kung bakit mo sya mahal, kung bakit ka humihingi ng tawad, o kung bakit ka ganyan.
Pero mahirap din magmahal ng TANGA. Kasi kahit gaano mo ipilit na ipaintindi at isaksak sa kokote nya ang mga bagay-bagay, siguradong hindi ka rin nya maiintindihan kasi nga, tanga eh.
Mahirap magmahal ng INSENSITIVE. Kahit iparamdam mo na handa kang ibuwis ang lahat para sa kanya, hindi rin nya mapapansin. Pangalawa, hindi nya alam na sobrang nasasaktan ka na dahil sa mga ginagawa nya.
Pero mahirap din magmahal ng SENSITIVE. Kaunting kibot mo lang eh magiinarte na. Kahit walang dapat ikabahala, sobrang hysterical na. Kahit na simpleng mga bagay lang, pinapalaki pa ang problema.
Mahirap magmahal ng TAHIMIK. Hindi mo malalaman kung ano ang gusto nyang mangyari. Hindi sya magsasabi kung ano ang tunay na nararamdaman nya. Higit sa lahat, hindi mo maririnig galing sa kanya kung gaano na sya nasasaktan.
Pero mahirap din magmahal ng MADALDAL. Maririnig mo lahat-lahat sa kanya, maski mga bagay na hindi na dapat marinig ay sinasabi pa rin nya. Hindi maiiwasang masabihan ka ng mga masasakit na salita na makakapagbaba sa self-esteem mo.
Mahirap magmahal ng SELOSO. Nakakasakal yun dahil hindi ka malaya gumalaw at makisalamuha sa ibang tao, lalo na kasama ang mga kaibigan mo. Kaunting closeness lang eh pagseselosan na kaagad at bibigyan ng malisya.
Pero mahirap din magmahal ng HINDI SELOSO. Kapag nagmahal ka ng hindi seloso, hindi nya alam yung pakiramdam ng pagseselos kaya napakadali lang sa kanayng sabihin sa iyong, “wag ka na magselos.” Hindi mo rin mararamdaman yung kilig kapag alam mong nagseselos sya.
Mahirap magmahal ng MAPRIDE. Kahit na alam na nyang mali sya, hirap na hirap pa rin mag-apologize. Mahirap para sa kanya ang magpakumbaba at kung magpapakumbaba man, isusumbat at isusumbat pa rin sa iyo.
Mahirap din magmahal ng WALANG PRIDE. Hindi ko alam kung bakit. Pero kapag sobrang mapagkumbaba siya, malaman sa alamang, aabusuhin mo yung kabaitan nya.
Mahirap magmahal ng FLIRT kasi hindi mo masisiguradong ikaw lang yung finiflirt nya. Malay mo, pati ibang tao nageenjoy sa kanya, dba?
Pero mahirap din magmahal ng HINDI FLIRT. Wala sigurong thrill yung ganun. Pero at least, alam mong hindi nanglalandi ng ibang tao, dba?
Mahirap magmahal ng MALIBOG. Bukod sa nakakailang, nakakafrustrate malaman na sa ibang tao nya nisatisfy ang tawag ng laman dahil hindi mo maibigay sa kanya yung gusto nya.
Pero mahirap din magmahal ng HINDI MALIBOG. Aba, nakakatigang daw yung ganun eh. Wahahaha! Tama ba ang iniisip ko?
Mahirap magmahal ng BATA. Para kang may inaalagaang anak. Dito na rin papasok ang mga salitang “childish” at “immature” dahil nga isip bata yung kinakasama mo. Maiinis ka lang palagi dahil hindi magtutugma yung mga gusto nyo sa buhay.
Pero mahirap din magmahal ng MATANDA. Bukod sa mahirap sabayan ang trip, masyado ring malalim kung mag-isip. Makaluma at old fashioned pa kaya lalong mahirap pakisamahan.
Mahirap magmahal ng MAHILIG UMAASA. Mahirap kasi imeet ang expectations ng ganung tao. Marami syang inaasahang mga bagay na mahirap ibigay at gawin. Kadalasan, nakakapressure ibigay ang mga demands at expectations nya.
Pero mahirap din magmahal ng MAHILIG MAGPAASA. Hindi mo kasi alam kung ano ang dapat isipin. Yung mga inaakala mong ipinapakita nya, hindi pala dapat bigyan ng ibang kahulugan dahil hindi naman pala kayo pareho ng iniisip. Mabibigo ka lang din.
Alam ko marami pang pwedeng idagdag sa mga nabanggit ko pero iisa lang naman ang tinutumbok ng lahat ng iyan, na talagang mahirap nga talaga ang magmahal.
Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang katotohanang isang yakap at halik lang ay handa ka na ulit na tanggapin lahat ng paghihirap para sa minamahal mo.
PAMBIHIRA dba? Pero ganun lang talaga ang pagmamahal, kailangan mo munang masaktan bago sumaya. At sa bawat ngiti at tawa, meron ding mga luha at paghihirap.
Nasa tao lang naman yan eh. Dahil na rin sa mga personal na naranasan ko, naniniwala na akong love is not purely about destiny. It is also about the choices we make. Sabi nga sa quote na pinadala sa akin ni shaine dati:
“Scientists found out that romantic love involves chemical changes in the brain that last 12-18 months. After that, you and your partner are on your own. Love can absolutely last for a lifetime as desired to be maintained. MEANING, IT’S BOTH YOUR CHOICE.”
BOTTOM LINE:
It will last if you know how to commit.