First time ko magpa-masahe sa bulag. Tahimik syang pumasok sa massage room. Naka-shades. Ang una nyang tinanong sa akin, "Anong masakit sayo ma'am?" Sinabi ko agad na masakit yung likod ko. Maliit at payat lang syang babae pero talagang minasahe nya ng husto yung likod ko. At nang matapos na sya, panay ang tanong nya kung okay na ba at kung masakit pa rin ba ang likod ko. Ramdam ko yung concern nya at talagang ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mawala yung sakit na iniinda ko.
Nakakatuwang may companies pala sa Pilipinas tulad ng VIBES Massage Services na tumutulong sa mga kababayan nating may impairments/disabilities. Let's help our blind brothers and sisters help themselves. Nakaka-bilib sila kasi imbis na umasa sa ibang tao, talagang nagsisikap sila para kumita. Hindi nila kinokonsider yung sarili nila na iba from the rest of us. Nakaka-amaze sila sobra, kaya from here on, I will make it a point to go there kapag gusto ko ng massage.
So in case you want a massage, try going to VIBES Massage Services. VIBES stands for Visually Impaired's Brotherhood for Excellent Services. Madami silang branches sa iba't ibang malls. Masarap at nakakarelax magpa-massage, tapos nakatulong ka pa sa paghahanapbuhay ng mga visually impaired nating kababayan. Win-win di ba? Ayun lang, nashare ko lang ❤️ Their full-body bed massage costs P350, but they have other services you could avail (i.e., chair massage, back massage, etc.)
For more information about VIBES Massage Services, visit their social media accounts.
Website: http://vibesmassage.com/
Facebook: https://www.facebook.com/VibesMassage01?ref=br_rs
TOUGH TIMES NEVER LAST
TOUGH PEOPLE DO
★ HAPPIDEZZ
No comments:
Post a Comment
How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!