So, ano-ano nga ba ang mga uri ng commuter sa Pilipinas? I took time to observe my commute-mates and after thorough research, here is the taxonomy I came up with. Haha, kaysa naman kasi sa maging unproductive ang pagiging stuck in traffic, ginawan ko na lang ng blog entry. So heto na sila.
1. The Spartans (aka mga Mandirigma)
In these passengers' minds, they are clad in gladiator fashion and adrenaline is pumping through their bloodstreams. In the right place and at the right time, they are ready to attack. "Oy, Nova-Bayan yung jeep na 'yon! Sugoood! Ahhuuu-ahhuuu!" Mapa-babae man, lalaki, beks, o tiburcia pa yan, handa silang ipaglaban ang karapatan nilang makasakay sa byaheng iyon. Wa pakels na sa dunggulan. Ang mahalaga, makasakay. Kebs na kung ang bilis pa nang andar ng jeep sa gitna ng highway. Ang mahalaga, masakyan nila ito.Survival of the fittest ang pagko-commute sa Pilipinas and these commuters are on top of the food chain. This is Sparta, every one! Be one of them or get swallowed into an abyss of loss and darkness.
2. Meme Boy/Girl
Clarification: hindi ito yung mga mahilig sa Internet memes. The meme boy/girl is the kind of commuter who is perpetually puyat. Sila yung mahilig mag-meme like a bebe in the jeep. Ito yung mga commuter na "masa" o masandal tulog. No sleep? No problem. Pwede mo yan gawin while stuck in traffic with matching pag nganga ng bibig, paghilik, pag head bang sa tyempo ng brakes, pagsandal sa shoulders ng katabi, pag-untog ng ulo sa bintana ng fx, o kaya naman pagtulo ng laway. It's just a matter of choice. Ganito ka ba? Ingat-ingat lang ha. Ang mga pasaherong ito rin kasi ang tiyak na lumalagpas sa kanilang dapat paroonan.3. Freeloaders
Ito yung mga hindi nagbabayad ng pamasahe. Let me tell you about the two kinds of freeloaders:- Memory Gap Club - Ito yung mga commuter na wala namang masamang intensyon sa buhay pero naaalala na lang na di pala nakapagbayad sa jeep nang makarating na sa destinasyon. Hindi nila sinasadyang manlamang ng kapwa. May pamasahe pero may memory gap din. Sorry na, kuya driver. Next time, iinom na talaga ako ng Enervon Prime with memory enhancers. *not a sponsored post*
- Asawa ni Marie - Hindi naman sa lagi silang walang panty, ano? Pero sila yung mga walang hiyang commuters na sadyang hindi nagbabayad at mahilig mag one-two-three. Get it? One-two-three, Asawa ni Marie, araw-gabi, walang panty. Hahahaha! Shet, I'm so funny!
4. Dead Madela
I'm sure ito yung klase ng commuter na kinaiinisan ng karamihan. Akala mo normal at first pero dyan ka nagkakamali. Hindi pa man sila deads, pero wala na silang mai-contribute sa ika-uunlad ng pagko-commute sa Pilipinas.Bakit kamo? "Makiki-abot po ng bayad." Dead Madela. "Makiki-urong po ng konti." Dead Madela. "Makiki-daan po, bababa nako." Dead Madela. Bawal po bumaba dito, may nanghuhuli. Dead Madela. Nagcramps na yung legs mo kaka-squat kasi ang laki ng bukaka nya. Dead Madela. May buntis/lola/lolong hirap umakyat ng jeep. Dead Madela. Amoy bagoong na yung buong FX dahil sa mangga trip nya. Dead Madela. Humahampas yung basang buhok nya sayo. Dead Madela. Nalaglag yung barya mo sa paanan nya. Dead Madela. Inuupuan na nya yung hita mo. Dead Madela. Ayun. Hindi naman sila deads, they're just Dead Madela. Bow.
5. Lookers and Feelers
Sila yung masyadong aktibo ang mata, kamay, at iba pang body parts pagdating sa pagko-commute. Ito yung mga commuter na mahilig i-feel yung katawan ng katabi o ipa-feel ang katawan nya sa katabi. Isasama ko na sa klasipikasyong ito yung mga kundoktor ng bus. Hindi sila commuter, pero sakay pa rin naman sila ng bus, so they should count. Meron kasing mga kundoktor na haharap sayo at "subtly" ipapa-feel sa braso mo yung bukol nya. *Gagging* Unfortunately, madami ring ganitong pasahero sa masisikip na mga bus at tren. Tapos meron ding mga lalaking commuter na ipoposisyon yung braso malapit sa side-boob mo at magpapaka-Dead Madela the whole time. Sisilip-silipin pa ng mga yan yung palda nung estudyanteng nasa harap nila o yung cleavage ng babaeng nasa tabi nila. Hay naku talaga.Pero hindi lang naman mga lalaki ang ganito sa loob ng pampasaherong sasakyan. Meron ding bekimons and girlaloos na hinahalay na sa tingin ang poging katapat sa jeep. Sila yung pasimpleng matatapilok o maa-out of balance para maglanding sa dibdib ni handsome kuya guy. Style! Sila yung nagiging meme boy/girl for a while for a chance to win a "put your head on kuya's shoulders" moment. Pak!
6. The Pseudo-Commuters (aka the Business Class)
Hindi sila legit commuters, pero dahil sumasakay pa rin naman sila ng sasakyang pampubliko, may puwang sila sa blog post na ito. They are the dangerous type. Gusto kong i-classify further ang class na ito dahil napakaraming maaaring makasakay na ganito. Ito kasi yung mga commuter na pati ang pagcommute, nagawa pa ring pagkakitaan.- Sukli Ko Gang - Ito yung mga commuter na wala namang pinuhunan pero pagbaba ng jeep, may pangkabuhayan. Sila yung pasimpleng nag-aabot lang muna ng bayad ng ibang pasahero sa driver. Nagmamatyag. Nagmamasid. And when the right time comes, pag madami nang hawak na bills si manong tsuper, tsaka siya magsasabing, "Manong, sukli ko po sa P100." At dahil sa daming pasaherong nagbayad ng perang papel, nalito at nalurkey na si manong driver kaya susuklian nya itong pasaherong ito. Simpleng simple, di ba? Walang pinuhunan pero daig pa ang kawatan.
- Kalabit Penge Group of Companies - Aakalain mo kasing regular passengers din sila. Nakabihis nang maayos. Uupo sa bakanteng pwesto. Pero maya-maya, kakalibitin ka at manghihingi ng tulog. Yung iba, outright kalabit-pengers; yung iba, may pa-sobre; yung iba, mag-ooffer ng pastillas o ballpen; yung iba, may dalang bibliya at mag e-extemporaneous speech pa; at yung iba, maglalabas ng reseta ng gamot, medical abstract, o kaya naman death certificate. Iba-iba man ang estilo pero garantisado, pagnakasakay mo, hihingiin ang pera mo. Ganern.
- GSM Traders - Ito ang uri ng commuter na dapat katakutan mo. They engage in GSM trading. That is, they are "Galing sa Magnanakaw" traders. Yung gamit mo, nanakawin at ibebenta nila. Nakakatakot ang mga ito besh. Magpapanggap silang pasahero pero ang totoo, mambibiktima pala ng mga taong walang kamuwang-muwang. Minsan, nakasabit sila sa jeep. Minsan, nandudura sila sa bus. Minsan nagdedeklara ng hold-up sa FX. This sub-type of pseudo-commuters will keep you on your toes. They will find you, observe you, and nakaw from you. Kaya kung commuter ka, laging sundin ang payo ni John Lloyd: INGAT!
Are these types of commuters familiar? While we continue to meets these kinds of commuters every day, meron din namang commuters who have given up on public transpo and chose the RK life. Merong mga bumibili na lang ng caroo. Meron din namang mga commuter who will choose convenience over economy by booking rides. Sosyal at mahal pero iwas ito sa masasamang loob at sa mga hassle ng pagsakay sa public utility vehicles.
At the end of the day, anoman ang mode of transpo natin, ibayong pag-iingat ang dapat. Happy commuting, everyone! Good luck sa ating lahat. Xoxo.
No comments:
Post a Comment
How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!